Workshop ng mga Komunidad

Noong Enero 11, 2019, nagkaroon ng isang community mapping workshop na dinaluhan ng mga residente ng Barangay UP Campus at Barangay Krus na Ligas. Tinalakay sa workshop na ito ang iba’t ibang mga kuwento ng lugar na bumubuo sa mga komunidad na ito. Inilapat ang mga kuwentong ito sa mga mapang iginuhit sa tulong ng mga miyembro ng komunidad.