Ano ang Kuwento Mo?
Isa sa mga interactive na parte ng eksibit na ito ang isang lumang card catalog cabinet mula sa UP Main Library. Sa pamamagitan ng sisidlang ito ay nakapagbahagi ng kanilang mga personal na karanasan ang mga dumalo sa eksibit, mula sa kanilang mga ala-ala sa iba’t ibang lugar sa UP Diliman at hanggang sa mga kuwentong pag-ibig, kababalaghan, pagkasawi, at marami pang iba. Basahin ang mga piling talang ito at ating sundan ang istorya ng mga bahagi ng komunidad ng UP Diliman sa kanilang sariling salita.