Ang partikularidad ng buhay at karanasan sa UP Diliman ay madalas na maging paksain ng mga likhang-sining. Sentro na rito ay ang obra ni Larry Alcala, Pambansang Alagad ng Sining, sa Slice of Life, 1983, ukol sa buhay sa UP Diliman – ang mga sagisag-kultura ng buhay UP na biswal at perpormatibo, gayundin ang mga “tipos del pais” o mga tipo ng mamamayan sa UP Diliman. Binigyang-pugay ang Slice of Life ni Alcala ng mga guro mula sa UP College of Fine Arts sa pamamagitan ng makabagong bersiyon nito para sa 2019. Gayundin, ang mga komiks ni Manix Abrera ay tumutukoy sa relasyon ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman.
Animation: “Slice of Life” (1983) Ben Sy 2019