Iskolar ng Bayan

Ang espasyo ng iskolar ng bayan ay kapuwa sa loob at sa labas ng silid-aralan. Ang edukasyon na hinubog sa UP ay nakasandig sa prinsipyong mahigpit ang relasyon ng kaalamang teoretikal at paglapat nito sa kondisyon ng lipunang Pilipino. Ang pag-aaral ng iskolar ng bayan ay nagmumula sa mga aklat, matalas na pananaliksik at pagsusuri, at direktang karanasan ng pakikisangkot sa ating kapaligiran at lipunan.

Sa seksiyong ito kinikilala ang mga iskolar ng bayan na walang takot na ginamit ang kanilang husay, galing, at talino upang mapabuti at mabanyuhay ang lipunan, at sa ilang pambihirang pagkakataon ay ibinuwis ang buhay para sa bayan.