Noong 11 Pebrero 1949, sa isang makulay na parada ng Oblasyon mula Padre Faura tungong Diliman, pormal na inilunsad ang pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng UP at ng opisyal na paglipat nito sa bagong tahanan.
Dinatnan sa Diliman ang mga pinakaunang gusali ng bagong kampus – ang Bulwagang Malcolm at Benitez. Sunod na naipatayo ang mga gusaling Palma, Melchor, at Quezon. Ang mga dating gusali ng mga militar ay ginawang silid-aralan at mga laboratoryo.